Oil spill posible sa Panglao Island matapos ang sunog sa barko

BINABANTAYAN ngayon ng mga awtoridad ang posibleng oil spill mula sa barkong nasunog sa Panglao Island sa Bohon Linggo ng madaling araw.

Patuloy umanong minamatyagan ng Philippine Coast Guard ang katubigan sa Panglao para madetermina kung naglabas ng langis ang MV Esperanza Star na nasunog alas 3:55 ng madaling araw.

Nailigtas naman ang 132 pasahero at crew members mula sa nasunog na barko.

Inaalam pa ngayon ng PCG ang sanhi ng sunog ng barko at kung magkano ang pinsalang naidulot nito.