Libreng Covid testing sa pumila sa birthday pantry ni Angel

MAY alok na libreng swab test ang Quezon City government sa mga residente na pumila sa community pantry na inorganisa ng aktres na si Angel Locsin.


Ayon kay Dr. Rolando Cruz, hepe ng Epidemiology and Disease Surveillance Unit, maaaring magpa-book ng appointment ang may mga sintomas sa http://bit.ly/QCfreetest o tumawag sa


8703-2759, 8703-4398, 0916-122-8628, 0908-639-8086, 0931-095-7737.
Aniya, malaki ang posibilidad na nagkaroon ng hawahan doon dahil sa dami ng pumila.


“Mabuti nang makasiguro na hindi natin mahawahan ang ating pamilya at mga kasama sa komunidad,” sabi ni Cruz.


Umapela rin siya sa kampo ni Locsin na makipag-ugnayan sa kanila sakaling may impormasyon ito na may nagkasakit dahil sa pangyayari.