Matanda hinambalos ng anak; krimen huli sa video

TINUTUGIS ng pulisya ang lalaki na halos lumpuhin ang sariling ama sa pambubugbog sa Surallah, South Cotabato, ayon sa ulat.


Hindi pinangalanan ang suspek na, ayon sa mga imbestigador, ay tumakas sa takot na gantihan ng mga kamag-anak.


Sa video ay makikita kung paano pinaghahambalos ng lasing na suspek ang ama. Nagkubli pa ang matanda sa kama pero sinundan ito ng anak at pinagpapalo ng kahoy.


Tumigil lamang umano ang suspek nang pumagitna ang isang kapamilya. Dinala sa pagamutan ang biktima, na hindi nakaladkad dahil sa insidente.


Napag-alaman na lumalabas ang galit ng suspek sa ama kapag nalalasing ito. Hindi naman sinabi kung ano ang ugat ng sama ng loob ng anak sa biktima.


Nahaharap sa patong-patong na reklamo ang suspek, sabi ng pulisya.