Ginang nanganak sa gitna ng karagatan

Hindi na napigilan ng isang 39-anyos na ginang na mapaanak habang lulan ng isang bangka patungong ospital sa isla ng Cuyo sa Palawan.

Sa isang viral post sa Facebook, naitawid ni Rose Merry Garcia ang kanyang panganganak sa loob ng bangka habang nakapalaot sa dagat.

Residente si Garcia ng Pamitinan, bayan ng Lubid, at nagpahatid sa ospital sa Cuyo island para doon manganak.

Gayunman hindi na nakaabot si Garcia sa ospital at sa loob na lang ng bangka nanganak ng isang malusog na babaeng sanggol na pinangalanan niyang Fira bilang pagkilala sa isang miyembro ng Bureau of Fire Protection rescuers.