Nag-swimming habang may bagyo, sugatan

NASUGATAN ang mga naliligo sa dalawang magkahiwalay na resort sa Davao del Sur sa kasagsagan ng bagyong Bising kahapon.


Isa sa mga insidente ay nakunan ng video ni Rheynald Nulla, kung saan makikita na nalaglag ang mga sanga ng puno sa pool ng resort sa Bansalan.


Makikita rin na isinasalba ang mga biktima na nalaglagan ng sanga at dahon.


Napag-alaman na ilan sa mga biktima ay nagtamo ng sugat sa katawan habang may isa pa na nabalian umano ng paa. Ginagamot na ang mga ito sa ospital.


Sa Matanao, anim naman ang nasugatan nang bumagsak ang puno sa pool kung saan sila nagsu-swimming.


Nagtamo ang mga biktima ng galos at sugat sa katawan, ayon sa pulisya.


Napag-alaman na naganap ang mga insidente sa kalagitnaan ng bagyo.


“Malakas ang hangin kaya nabali at mabuwal ang mga puno,” ayon sa isang saksi.