Magsasaka kumain ng butete, todas

NASAWI ang isang magsasaka matapos kumain ng nakalalason na puffer fish o butete sa Hinunangan, Southern Leyte kamakalawa.


Patay na nang matagpuan kahapon ng umaga si Dario Bacus, 39, ng Brgy Union.


Ayon sa ulat, niluto at kinain ni Bacus ang nahuli niyang butete alas-7 ng gabi.


Ginutom siya alas-4 ng madaling araw at kinain ang natirang isda.


Makaraan ang ilang oras ay wala na itong buhay nang makita.


Sinabi ng pulisya na wala silang nakitang foul play sa pangyayari.


Ang puffer fish o fugu sa Japan ay nakakalason kung hindi tama ang paghahanda nito.