Pacquiao sa mga nasa likod ng Asian attacks sa US: Ako labanan mo, duwag!

GALIT NA GALIT na si boxing champ at Sen. Manny Pacquiao sa marahas na pag-atake sa Asian community sa US kaya hinahamon na niya ang mga nasa likod nito.


“Stop attacking Asians who can’t defend themselves! FIGHT ME INSTEAD,” aniya sa photo quote sa Instagram.


Nakasulat din ang quote sa Tagalog, Chinese at Korean.


Nilagyan naman niya ito ng caption na: “We have one color in our Blood! Stop discriminating. LOVE AND PEACE TO EVERYONE!! #StopAsianHate.”


Nagpuyos na umano si Pacquiao, 42, nang mapanood ang video kung saan hinambalos ng isang black American ang 65-taong-gulang na Filipino-American.


Nitong nakaraang mga buwan ay lumobo ang hate crimes laban sa mga Asyano sa US, kabilang ang pamamaril sa mga spa sa Atlanta na ikinamatay ng walo katao.