Buntis nakunan ng P5M ecstasy

SHOOT sa kulungan ang buntis na nakunan ng P5M milyong halaga ng ecstasy sa Mabalacat, Pampanga kahapon.


Hindi na nakapalag pa ang 27-anyos na suspek nang makita ng mga pulis na droga ang laman ng bitbit niyang kahon.


Mula umano sa Germany ang mahigit 3,000 piraso ng ecstasy na nasabat sa buntis.


Naniniwala naman si PDEA-NCR director Adrian Alvarino na kabilang ang suspek sa West African Drug Syndicate.