Mag-jowa nag-date; damuhan nasunog


MALAKING bahagi ng bukid sa Brgy. Bonbon, Butuan City ang nasunog nitong Miyerkules ng gabi.


Inaalam pa ng mga pamatay-sunog kung saan nagsimula ang apoy, pero napag-alaman na maraming nakakalat na basura malapit sa nasunog na bahagi ng bukid.


Pinaniniwalaan naman ng mga residente na may kinalaman sa insidente ang magkasintahan na huling nakita sa lugar.


Nagtungo umano sa bukid ang magkasintahan para magpiknik at hintayin ang paglubog ng araw.


Makikita pa sa lugar ang mga karton na ginamit umano ng dalawa at ang mga balat ng kanilang mga kinain.


Ayon sa mga residente, nagsimula ang sunog alas-8.


Agad namang naapula ang apoy bago pa ito makarating sa mga kabahayan.


Wala ring nasugatan sa insidente.