Lucban police chief sibak sa sexual harassment

TINANGGAL sa puwesto ang hepe ng Lucban, Quezon Police Office makaraang ireklamo ng sexual harassment ng kanyang tauhan.


Ayon kay Col. Ericson Dilag, acting provincial director, naisampa na ang reklamo laban kay Maj. Rizaldy Merene sa piskalya sa Tayabas City.


Naganap umano ang panghahalay sa babaeng pulis noong Huwebes sa Brgy. Wakas sa Tayabas City.
Hindi naman sinabi sa ulat kung ano ang ginawa ni Merene sa biktima.


Pinalitan sa puwesto ni Maj. Lauro Moratillo si Merene, na inilipat na sa Quezon Provincial Holding and Accounting Section sa Camp Nakar, Lucena City.