Derek Ramsay mauumay din kay Ellen Adarna–netizens

HANGGANG ngayon ay parang hindi pa rin tanggap ng publiko ang relasyong-Derek Ramsay at Ellen Adarna.


Eto nga at inulan ng batikos ang ginawang pagbati ni Derek kay Ellen, na nagse-celebrate ng birthday, sa Instagram.


“Happy Birthday, Love,” caption ni Derek sa kanyang IG post.


Chika ng haters ng dalawa, lubos-lubosin na raw nila ang kanilang pagsasama dahil magkasawaan din naman sila.


“Wow ang sweet nila kakainggit kailan kya sila magkakasawaan at maghihiwalay din sa lalong madaling panahon!!!” pang-aasar ng isang netizen.


“Atay! March pa gani! Lubos-lubosin mo na Derek, advance birthday greetings na rin para sa next year birthday ni Ellen!” hirit ng isa pa.


“Marami pang putahe na gustong tikman ni derek….hwag ka magpaniwala dyan ellen, maraming maganda sa showbiz,” warning naman ng isa pang basher.


As of this writing, dedma sina Derek and Ellen sa hate comments.