Lola tutol sa relasyon ng apo, kinatay

MALAGIM ang naging katapusan ng isang college dean na pinatay ng kanyang apo na menor edad sa San Leonardo, Nueva Ecija.

Ayon sa pulisya, ang motibo ng suspek sa pagpatay: tutol ang biktima sa pakikipagrelasyon ng apo.

Dead on the spot ang biktima na si Virginia del Rosario, residente ng Brgy Castellano.

Base sa imbestigasyon, sinaksak ng menor de edad na suspek ang kanyang lola nang magkasagutan sila ukol sa kanyang maagang pakikipagrelasyon.

Tinangka pa umanong itago ng suspek ang katawan ng matanda sa compartment ng kanyang kotse pero nadiskubre ito. Nilinis din umano nito ang lugar kung saan pinatay ang biktima.

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga ng lokal na tanggapan ng Department of Social Welfare and Development ang suspek.