Lola nasalpok ng parak, sugatan

SUGATAN ang isang lola na nabangga ng kotseng minamaneho ng pulis sa Bantay, Ilocos Sur.


Nagtamo ng bali at pinsala sa katawan ang biktimang si Gloria Aquino, 74, na agad namang naitakbo sa pagamutan.


Ayon sa ulat, tumatawid sa highway si Aquino sa Brgy. Buquig nang salpukin ng kotse ni MSgt. Berbardi Bajog Jr.


Tumigil naman ang pulis at dinala sa ospital ang matanda.


Sinabi ni Bajog na akala niya ay hihinto ang biktima sa pagtawid pero dumire-diretso ito.


Inako naman ng pulis ang pagpapagamot at lahat ng pangangailangan ng matanda.