3 timbog sa pamemeke ng RT-PCR test

ISANG lalaki at dalawang babae ang dinakip ng pulisya dahil sa diumano’y pamemeker ng RT-PCR test results.

Inaresto ang tatlo matapos isagawa ng Las Piñas Police ang isang entrapment operation sa loob ng isang clinic sa barangay Talon Uno nitong Martes.

Sinabi ng Souther Police District na nakatanggap sila ng impormasyon na naglalabas ang clinic ng hinihinalang pekeng COVID-19 test results para sa P1,500 kada test.

Narekober sa operasyon ang 2 RT-PCR test result at 4 na rapid test results.

Kinuha rin bilang ebidensya ang hinihinalang drug paraphernalia na hawak umano ng lalaking suspek.

Kakasuhan ang grupo ng falsification of public documents at paglabag sa Dangerous Drugs Act.