B-day wish ni Leni kay Digong: good health

BINATI ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Duterte na nagdiwang ng kanyang ika-76 na kaarawan kahapon.


“Baka makalimutan natin birthday ni Pangulo ngayon. Birthday ni Pangulo, so happy birthday po,” ani Robredo sa kanyang lingguhang radio show.


Ang kanyang birthday wish sa Pangulo: malusog na pangangatawan
“Sa panahon ngayon (ng Covid-19), good health. Kasi nakakatakot ngayon–hindi na lang seniors ang mga tinatamaan na grabe, pati mga bata. Kaya ang wish natin kay Pangulo na good health, wish natin para sa lahat,” aniya.


Isa pa sa mga hiling ni Robredo ay ang tagumpay ni Duterte.


“Parati ko namang sinasabi na lagi siyang damay sa dasal natin, ‘di ba? Na guidance, wisdom, kasi ang pagdedesisyon para sa bansa ay hindi basta-basta. So sana magabayan ng tamang pagdedesisyon kasi ang success ng Pangulo ay success para sa buong bansa,” dagdag niya.