Lalaki kinatay si itay, tinaga si utol sa away sa lupa

TINAGA at sinaksak ang 70-anyos na padre de pamilya ng kanyang anak sa gitna ng away sa lupa sa Solana, Cagayan kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa ospital si Pedro Abogado ng Brgy. Basi East dahil sa mga tinamong sugat sa katawan.

Naaresto ang suspek na si Joel, 48, matapos ang krimen.

Nasa kritikal na kondisyon naman ang kanyang kapatid na si Annaliza Abogado-Saquing, 40, na tinaga rin niya nang sumaklolo sa kanilang ama.

Ayon sa ulat, nagkainitan ang mag-ama kaugnay sa lupang pag-aari ng pamilya kaya kumuha ng utak ang suspek saka hinalihaw ng taga at sinaksak ang matanda.

Nahaharap sa mga kasong parricide at frustrated homicide ang suspek.