Iskolar tinodas sa birthday ng ama

SINAKSAK at napatay ang isang Grade 10 scholar ng isang grupo ng mga kabataan na holdaper sa Minglanilla, Cebu nitong Sabado, iniulat ng pulisya.

Dead on the spot ang biktima, 16, residente ng Brgy. Pahina Central, Cebu City, dahil sa sugat sa dibdib. 

Ayon sa ulat, pauwi na ng bahay ang biktima makaraang kunin ang t-shirt mula sa kaibigang scholar alas-10 ng gabi nang harangin ito ng mga suspek.

Sinaksak umano ng isa sa mga suspek, isang menor de edad, ang biktima nang tumanggi itong ibigay ang cellphone.

Sinabi ng ina ng biktima na nais ng kanilang anak na maging engineer at nangako ito na magiging kumportable sa buhay ang kanilang pamilya kapag naka-graduate na siya.

Dagdag niya naganap ang pagpatay sa anak sa mismong birthday ng ama.

“Wa jod koy mahimo sa akoang anak. Di na jod mabuhi pa. Mao na nga akoang hangyo kay pagawsa na ang nagpatay sa akoang anak. Pagawsa na og asa dapit nitago. Gikulata lang unta nila, wa lang unta nila patya,” ayon sa ina.