Iloilo City bumili ng 10 P190K-halagang motor

BUMILI kamakailan ang lokal na pamahalaan ng Iloilo City ng 10 Kawasaki Rouser motorcycles para sa Public Safety and Transportation Management Office (PSTMO).


Ayon sa ulat, nagkakahalaga ang isang motorsiklo ng P190,000.


Napag-alaman na bumili rin ng city government ng P190,000 halaga ng mga accessories tulad ng blinkers, sirens, helmets at decals.


Ayon kay PSTMO chief Jeck Conlu, ang mga motorsiklo ay gagamitin para sa pagresponde sa siyudad.


Matatandaan na noong Abril at bumili rin ang city government ng 13 pick-ups para sa mga konsehal.


Noong Pebrero, aabot sa 22 Japanese bikes ang binili ng pamahalaang lokal sa mga barangay tanod. –A. Mae Rodriguez