Hindi pinayagan umalis ni misis, bahay sinunog ni mister

Sinunog ng isang 21-anyos na lalaki ang kanilang tahanan sa Nueva Vizcaya matapos umanong hindi siya payagan ng kaniyang asawa na pumunta sa lamay.

Arestado ang suspek na nakilalang si Clenver Chulana, 21, residente ng Sitio Ay-ay sa Barangay Dagupan, Quezon, Nueva Vizcaya.

Ayon sa pulis, dumulog sa kanilang tanggapan ang misis ng suspek na si Marivic Chulana para isuplong ang kaniyang mister dahil sa pagsunog sa kanilang bahay.

Lumabas sa imbestigasyon na nag-away ang mag-asawa dahil hindi pinayagan ni Marivic ang kaniyang mister na makipaglamay sa kanilang lugar.

Ayon sa misis, natakot ito na masangkot sa gulo lalo na at nakainom ito ng alak.