54 nagpositibo sa COVID dahil sa pool party sa QC

UMABOT sa 54 residente ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) matapos dumalo sa isang pool party sa Barangay Nagkaisang Nayon, Quezon City.

Sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na inatasan na niya ang City Legal Department na isyuhan ng show cause order ang mga opisyal ng barangay matapos na payagan ang isinagawang pool party na sinasabing dahilan ng “superspreader”. “

Lahat ng mga mapapatunayang lumabag sa ating guidelines at mga ordinansa lalo na ‘yung mga nagkukumpulan at nag-iinuman o nagka-karaoke ay iisyuhan ng ordinance violation receipt (OVR) at maaaring makasuhan sa ilalim ng RA 11332,” sabi ni Belmonte.

Idinagdag ng opisyal na umabot sa 610 residente ang dumalo sa pool party. Isinailalim na sa lockdown ang komunidad simula pa noong 14 Mayo.