Security guard nagsoli ng P150,000

ISINOLI ng isang security guard ang isang nawawalang bag na naglalaman ng P150,000. Isinauli ni Ricardo Caluna, security guard sa Aleosan, Cotabato ang bag na mayroong cash.

Nakita umano ni Caluna ang backpack habang siya ay nakaduty sa Aleosan Public Market.

Agad naman nireport ng security guard sa pulis ang natagpuang bag.

Naibalik sa may-aring si Police Master Sergeant (PMSg) Rex Val Regular ng Libungan Municipal Station ang nasabing pera. Dagdag pa ni Caluna, hindi niya naisip na itago ang pera.

“Walang anuman yun sir! hindi naman sa akin ang pera, nakatingin ang Dios sa atin, Siya na lang ang magbibigay sa akin ng gantimpala pagdating ng panahon,” pahayag niya.