Ginang ginahasa, nilaslas ang leeg

KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng isang ginang na natagpuang patay dahil sa laslas sa leeg at pinaniniwalaang ginahasa pa sa Camaligan, Camarines Sur kahapon.


Ayon sa pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktimang si Ressian Dumagat, 31, empleyado ng insurance company na nakatalaga sa Bicol Access Health Centrum Hospital sa Naga City, sa kanilang bahay sa Brgy. Marupit alas-9:40 ng gabi.


Ang asawa ng biktima, na isang sundalo, ang nakadiskubre sa duguang katawan ng asawa, ayon sa pulisya.
Aniya, walang saplot pang-ibaba ang kanyang misis.


Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente at isasailalim sa awtopsiya ang bangkay upang madetermina kung ginahasa ito.