Lineman Nakuryente, Tustado

NASAWI ang isang lineman makaraang makuryente habang nagkakabit ng linya sa Sta. Barbara, Iloilo.

Agad namang naitakbo sa ospital ang biktima, na nagtamo ng mga sunog sa katawan, subalit hindi na ito naisalba ng mga manggagamot.

Ayon sa ulat, nagkakabit ng kable ang biktima sa Brgy. Poblacion nang mahawakan nito ang live wire Huwebes ng gabi.

Hindi naman sinabi ng mga pulis kung bakit sa gabi nagtatrabaho ang biktima, na residente ng Iloilo City.