101-anyos na lola nagpabakuna

NAGPABAKUNA kontra-Covid-19 ang isang 101-anyos na lola sa Las Piñas.


Sa Facebook post, sinabi ng lokal na pamahalaan na si Tomasa Amurao mula sa Brgy. Talon Dos ang pinakamatandang residenteng nagpabakuna sa siyudad.


Wala namang naramdaman na side effects ang matanda, na tinutukan ng bakuna ng AstraZeneca noong Abril 1.


Bago nagpabakuna ay ipinakita muna ni Amurao ang medical clearance mula sa kanyang doktor.