Election officer patay sa pananambang sa Sultan Kudarat

PATAY ang isang election officer matapos ang pananambang alas-2:30 ng hapon nitong Lunes sa kahabaan ng National Highway, Purok Libas, Brgy. Pinguiaman, Lambayong, Sultan Kudarat.

Kinilala ang biktima na si Haviv Maindan, Election Officer II ng Suktan sa Baringis, Maguindanao.

Ayon sa Comelec, galing ang biktima mula Sultan sa Barongis patungong Lambayong nang pagbabarilin ang kanyang sasakyan.

Nakaligtas naman ang kasama ng biktima na si Rolly Dilangalen, ng Brgy. Poblacion, Buluan, Maguindanao.

Agad na tumakas ang mga salarin matapos ang insidente.

Kinondena naman ni Commission on Elections Chairman George Garcia ang pangyayari.