Bus pinasabog; 1 patay, 10 sugatan

ISA ang nasawi habang 10 iba pa ang nasugatan matapos sumambulat ang isang bomba sa loob ng bus Linggo ng hapon sa Tacurong City.

Papalapit na sa Tacurong City Integrated Transport Terminal sa barangay New Isabela City ang Yellow Bus Lines (YBL) na may body number na 2588 nang bigla na lang sumabog ang bandang likuran ng bus.

Madaling isinugod ang mga biktima sa St. Louis Hospital.

Isa umano sa tinitingnang anggulo ng pagpapasabog ay extortion, ayon sa pulisya.

Madalas umanong nabibiktima ang nasabing kumpanya ng bus ng extortion ng mga bandidong grupo.