Dimples Romana, Enchong Dee magbubukas ng school

NAGPAPATAYO ng acting school si Dimples Romana habang isang music academy naman ang nakatakdang buksan ni Enchong Dee.

Sa Instagram post, sinabi ni Dimples na gusto niyang ibahagi ang kanyang kaalaman sa pag-arte at mga natutuhan sa industriya.

Papangalan niya itong “Dimples Romana School for Acting and Personality Development.”

Dagdag ni Dimples, gusto niyang maging daan para makapagbigay ng oportunidad sa mga nangangarap mag-artista.

Bukod sa pag-arte, bibigyang pansin din ng school ni Dimples ang tamang pagho-host at personality development.

Samantala, sinabi ni Enchong na malapit nang magbukas ang kanyang music school na tinawag niyang Academy of Rock Philippines.

“I’m proud to announce that my partners and I are opening Academy of Rock Philippines. This is one of the few businesses that I will personally supervise to make sure that the quality of music education will be at par with our Singaporean counterpart,” aniya.

Matututukan ang mga estudyante sa kanyang music school dahil sa “one student, one teacher” policy nito, dagdag ng aktor. –A. Mae Rodriguez