Bata sinaksak ng rapist ng ina

bata sinaksak

SINAKSAK nang dalawang beses sa tagaliran ang bata ng isang lalaki na tinangka umanong gahasain ang kanyang ina kamakailan sa Carmona, Cavite.


Ayon sa ulat, nasa maayos na kondisyon na ang biktima, 5, dahil naagapan ng mga doktor ang kanyang mga sugat. Hima-rehas naman ang suspek na nasakote ng ibang miyembro ng pamilya. Nahaharap siya sa mga kasong frustrated rape, frustrated murder, at child abuse. Lumalabas sa imbestigasyon na nagising ang bata ala-1 ng umaga at nagsisigaw nang makitang nasa tabi ng kanyang natutulog na ina ang suspek. Nagising ang ina pero bago pa ito nakakilos ay tinakpan ng suspek ang kanyang bibig. Bumunot din ang suspek ng patalim at tinarakan ang biktima. Dahil sa kaguluhan ay nagising ang iba pang kapamilya ng mag-ina at kinuyog ang saladin.

Napag-alaman na bisita ng padre de pamilya ang manyakis.