Gumahasa sa anak, todas sa parak

binaril

BINARIL at napatay ng mga pulis ang 45-anyos na lalaki na nanlaban habang inaaresto dahil sa umano’y panggagahasa sa sariling anak sa Mercedes, Camarines Sur kamakalawa.


Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang suspek at idineklarang dead on arrival sa Camarines Norte Provincial Hospital.


Ayon sa ulat, isinasakay sa police mobile ang suspek nang tangkain nitong agawin ang baril ng isa sa mga pulis na dumakip sa kanya.


Agad namang naalerto ang ibang parak at binaril ang suspek.


Napag-alaman na sinimulang gahasain ng suspek ang siyam-taong-gulang na anak noong nakaraang buwan, pero kamakailan lamang nadiskubre ng nga kapamilya.