PINAKAMATAAS: 8,773 bagong kaso ng Covid-19 ngayong araw

2503 COVID COUNT

NAITALA ngayong araw ang pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng coronavirus disease.

Sa tala ng Department of Health, umabot sa 8,773 ang bagong kaso ng Covid-19 habang umakyat na sa 693,48 ang kabuuanga kaso sa buong bansa.

Halos 100,000 naman na ang naitalang active cases habang nasa 13,095 katao na ang nasawi dahil sa sakit.

Nasa 580,62 naman ang kabuuang bilang ng mga naka-recover mula sa virus.

Sa unang pahayag ng OCTA Research Group, posibleng pumalo sa 8,000 hanggang 12,000 ang bagong kaso ng Covid-19 kada araw ngayong Marso.

Ito ay dulot sa iba’t ibang variants na nakapasok sa bansa na mas mabilis ang transmission at sa naging maluwag na restriksyon na ipinatupad nitong mga nakaraang linggo bago pa ibaba ang kautusan na nalgalagay sa Metro Manila at ilalang lalawigan sa “NCR plus bubble”.