Ari tinutukan ng petroleum jelly, nabulok

NAMAMAGA at unti-unti nang nabubulok ang ari ng isang lalaki na taga-Pangasinan makaraan niya itong turukan ng petroleum jelly, ayon sa ulat.


Nasa ospital na ang 21-anyos na biktima at nakatakdang sumailalim sa operasyon para alisin ang kemikal.
Sinabi sa ulat na nakumbinse ng kanyang mga kaibigan ang biktima, residente ng bayan ng Manaoag, na turukan ng petroleum jelly ang ari niya para madagdagan ang sukat nito.


Makaraan ang ilang araw ay namaga ang kanyang ari na nagdulot ng matinding sakit.


Akala niya ay kusa itong mawawala kaya tiniis na lang niya ang sakit.


Pero nagpadala na siya sa ospital nang magsugat na ang kanyang ari at unti-unting nabulok.


Warning ng mga doktor, mapanganib ang pagtuturok ng kemikal sa katawan dahil maaari itong mauwi sa impeksyon at kamatayan.