Duterte BFF Ramon Tulfo: Pamamalakad sa PH walang direksyon

INILARAWAN ni newspaper columnist at special envoy to China Ramon Tulfo na “manok na walang ulo” na “tumatakbo nang walang direksyon” ang pamahalaan ng Pilipinas.


Sa panayam sa kanya ng News5, sinabi pa ni Tulfo na, “Hindi maganda ‘yung pamamalakad ngayon.”


“Parang ‘yung gobyerno, parang manok na naputulan ng ulo. Takbo lang nang takbo, walang direksyon,” aniya.


Sa scale na 1 to 10, kung saan pinakamataas ang 10, binigyan ni Tulfo ng grading 4 ang Covid response ng pamahalaan.


Nagpahayag din ito ng pag-aalala sa kalusugan ng kanyang kaibigan na si Pangulong Duterte na hindi magpakita sa publiko nang dalawang linggo.


Aniya, kailangan makita ng publiko ang kanilang lider lalo na sa araw ng kagipitan “para magtiwala din ‘yung tao sa kanya.”


Umaasa rin si Tulfo na hindi tutulad si Duterte sa dating Pangulong Ferdinand Marcos na itinago ang sakit sa publiko.