SK president ng Lumban, Laguna tinodas

DEAD on the spot ang Sangguniang Kabataan president ng Lumban, Laguna makaraang barilin sa loob mismo ng kanyang kuwarto.


Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan si Renzo Matienzo, 26, ng Brgy. Maytalang, ayon sa imbestigador.


Inaalam pa ng pulisya kung sino ang nasa likod ng pamamaslang.


“The motive behind the crime has yet to be established,” dagdag ng PRO4A Public Information Office.
Nirerebisa na rin ang mga CCTV footage sa lugar para matukoy ang salarin.