Antique inuga ng magnitude 4.8 na lindol

INUGA ng magnitude 4.8 na lindol ang Antique kaninang alas-7:16 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naitala ang lokasyon ng lindol, na may lalim na 20 kilometro sa 13 kilometro silangan ng Anini-Y, Antique.

Naitala ang instrumental Intensity I sa San Jose de Buenavista at Culasi, Antique.

Ayon pa sa Phivolcs, tectonic ang sanhi ng lindol at wala namang inaasahang damage at aftershock.