6 todas sa bakery robbery

PATAY ang anim na katao, kabilang ang pulis, nang holdapin ng mga armado ang bakery sa Brgy. Bagontapay, M’lang, Cotabato nitong Miyerkules.

Ayon sa pulisya, sugatan ang apat na iba pa sa insidente na naganap ala-1:30 ng hapon.

Sa kasagsagan ng pagnanakaw ay binaril ng mga kawatan ang dalawang kostumer, isa ay napatay.

Makaraang makuha ang P17,000 na kinita ng tindahan ay tumakas ang mga suspek.

Ilan sa mga salarin ay nakorner sa Brgy. Dugong kung saan nagkaroon ng palitan ng putok.

Natamaan ng bala si Cpl. Noli Labesores na hindi na umano’y nang buhay sa ospital. Patay rin ang dalawa sa mga suspek.

Nakaengwentro naman ng mga pulis ang ilan pang miyembro ng robbery group sa Brgy. Sangat.

Dalawa sa mga suspek ang napatay sa palitan ng putok. Sugatan naman si Pat. Herzon Neyra.

Narekober sa mga nasawing suspek ang P3,000 cash.

Pinaghahanap na ang iba pang suspek na nakapuslit sa police dragnet.