4 kapamilya ni misis, grinipuhan ni mister

DALAWA ang nasawi at dalawang iba pa ang nasugatan nang manghalihaw ng saksak ang asawa ng kanilang kapamilya sa Cabugao, Ilocos Sur.


Ayon sa pulisya, nagwala si Michael Gaspar ng Brgy. Catucdaan nang marinig ang mga kapamilya ng asawa na pinag-uusapan siya.


Nagtatrabaho sa ibang bansa ang kanyang asawa at nakikitira sila sa pamilya nito.


Nasawi ang manugang ng suspek na si Demetrio Baclic Sevilleja, 44, at bayaw na si Michael Sevilleja, 23.


Sugatan naman ang babaeng manugang na si Didi at isa pang bayaw na si Melvin, 24.


Nagtamo ng maraming saksak sa katawan ang mga biktima.


Pinaghahanap na ang suspek na tumakas makaraan ang insidente.


Ayon sa mga kapitbahay, matagal nang may sama ng loob ang suspek sa pamilya ng kanyang asawa.