12-anyos nabuntis ng adik na ama

HIMAS-REHAS ang padre de pamilya na itinuturong gumahasa at bumuntis sa 12-anyos na anak sa Tayabas, Quezon.


Dinakip ngayong araw ang suspek matapos magsampa ng reklamo ang biktima at lola nito sa pulisya.
Todo-tanggi naman ang suspek sa krimen. Ayon sa ulat, napansin ng lola na lumalaki ang tiyan ng apo kaya tinanong niya ito.


Kahit natatakot sa banta ng ama, inilahad ng bata na noong isang taon pa siya ginagahasa ng suspek.
Napag-alaman na hiniwalayan ng ina ng bata ang suspek dahil adik umano ito. Hindi naman inakala ng ginang na magagawang babuyin nito ang kanilang anak.