Año fully-recovered na, balik-trabaho

BUMALIK na sa trabaho na si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año matapos mag-leave of absence mula noong Enero.


Inanunsyo ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na may pulong ngayong araw si Año.


“Ngayong araw babalik ng trabaho si Secretary Eduardo Año. Nagpapasalamat kami sa lahat ng nagdasal at nagbigay ng suporta sa kanya,” ani Malaya.


Ayon sa opisyal, binigyan na si Año ng clearance ng mga doktor para makabalik sa trabaho.


Nagpositibo si Año sa Covid-19 noong Marso at Agosto 2020. Ngayong Enero ay nag-medical leave siya nang isang buwan pero na-extend ito hanggang sa katapusan ng Marso sa payo ng kanyang mga doktor.