Truck vs van sa N. Cotabato: 17 patay

SINALPOK ng dump truck ang isang pampasaherong van sa national highway sa Antipas, North Cotabato nitong Lunes na nagresulta sa pagkamatay ng 17 katao at malubhang pagkasugat ng anim na iba pa.

Ayon sa otoridad, 16 sa mga nasawi ay dead on the spot bunsod ng mga tinamong sugat sa ulo at katawan.
Dalawa naman rito ay mga bata na may edad lima at anim.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng dump truck kaya sumampa ito sa kabilang linya ng kalsada at bumangga sa van na mayroong 18 pasahero.

Papunta sa Antipas proper ang dump truck, na may kargang graba at buhangin, habang patungo sa Kidapawan City ang van.