Vlogger nabiktima ng Fake Booking

NABIKTIMA ng pekeng delivery booking ang vlogger at TikTok celebrity na si Rosmar Tan.

Ayon sa ulat, umabot sa P15,000 ang halaga ng mga items na inihatid sa bahay ni Tan na hindi naman niya inorder.

Kabilang dito ang mga sex toys, pagkain, inumin at beauty accessories.

Parating din sana ang isang refrigerator subalit agad na nasabihan ni Tan ang magde-deliver.

Ayon sa mga delivery riders, nangako ang taong umorder ng mga items na ititigil ang fake booking kung bibigyan siya ni Tan ng P5,000.

Inihahanda na ni Tan ang mga reklamo laban sa suspek, na tinutunton na ng mga tauhan ng Manila Police District Anti-Cybercrime Division.