MAS mataas ng 41 porsiyento ang panukalang budget ng kontrobersiyal na Sugar Regulatory Administration (SRA) matapos ang panukalang P1 bilyon budget sa 2023.
Aabot sa P1 bilyon ang inilaang budget sa SRA, mas mataas sa kasalukuyang budget na P712.2 milyon.
Kabilang ang SRA sa walong ahensiya na nasa ilalim ng Department of Agriculture (DA) na tumaas ang pondo ng 33 porsiyento matapos maglaan ng P62 bilyong budget kumpara sa kasalukuyang P46.2 bilyon.
Ang iba pang pitong ahensiya ay ang National Food Authority, National Irrigation Administration, Philippine Rice Research Institute, Philippine Fisheries Development Authority, National Tobacco Administration, Philippine Coconut Authority, at National Dairy Authority.
Umabot naman ng 44 porsiyento ang itinaas ng kabuuang budget ng DA base sa isinumiteng proposal ng Department of Budget and Management (DBM) para sa ahensiya na P102.15 bilyong pondo kumpara sa ngayong budget na P71 bilyon.