Robin isusulong Charter change

NANGAKO si leading senatorial aspirant Robin Padilla na isusulong ang pag-aamyenda sa Saligan Batas sakaling pormal na siyang maupo bilang senador.

“Ang pagpapalit ng saligang batas ay hindi magiging madali sapagkat ang babanggain nito ay ang kasalukuyang naghaharing mga oligarko nakakubli sa 1987 constitution,” sabi ni Padilla sa kanyang Facebook Page.

Kasabay nito, inihayag ni Padilla na kukunin niya si presidential aspirant Salvador Panelo bilang kanyang consultant.

“Hindi man kami nagtagumpay ni idol Salvador Panelo na maging magkasama sa senado
Isa lang ang sinigurado namin dalawa. Walang mababago sa aming adhikaing pagbabago
Walang makakapigil sa rebolusyon, Si SALVADOR PANELO ang aking legislative consultant, adviser at mentor,” dagdag ni Padilla.

Si Padilla ang nangunguna sa senatorial race.