Proof of life: Digong tumakbo, nagmotorsiklo sa Palasyo

DIGONG nag-jogging, nagmotorsiklo sa Palasyo.

PARA patunayan sa publiko na maayos ang kanyang kalusugan, nag-jogging at nagmotorsiklo si Pangulong Duterte sa Malacanang Park kagabi.


Inilabas ni Sen. Bong Go sa social media ang mga kuha niyang larawan ng Pangulo, na nakasuot ng facemask at face shield.


Sa caption, sinabi ni Go na dapat suportahan at hindi kutyain si Duterte.


“Mga kababayan ko, malungkot at mahirap ang maging Pangulo sa panahong ito. Suportahan natin si Tatay Digong, ang taong totoong nagmamahal sa ating kapwa Filipino,” ani Go.


Iginiit niyang muli na walang dapat na ipangamba ang publiko dahil malakas ang pangangatawan ng Pangulo.


Matatandaang kumalat na inatake sa puso si Duterte makaraang makansela nang dalawang beses ang kanyang public address.