K Brosas nag-‘huling habilin’ nang tamaan ng Covid-19

BAGAMAT naka-recover na si K Brosas sa Covid-19, inamin ng TV host-singer-comedienne nag-“huling habilin” siya noong kasagsagan ng kanyang sakit.


Chika ni K, hindi niya na-vlog ang Covid-19 journey niya dahil takot na takot siya sa mga pangyayari.


“So no hindi ko na document ang covid journey ko, kc ayaw ko lang, pero nag “huling habilin” video ako, yes ganon ako ka praning at takot na kahit mild lang nangyari saken ginawa ko yon,” tweet niya.


Dagdag pa niya, grabe ang mental torture na idinulot nito sa kanya.


“Binura ko na rin (ang video) kc ang sad lang.. ganon ang mental torture na dinaanan ko. pero laban lng,” pahayag niya.


Kahapon 9 ay inanunsyo ni K na negatibo na siya sa Covid-19 matapos ang 17 araw niyang isolation.


“Thank you Lord after 17 days na isolate mag isa covid free nako! sensya na di ako nakapag vlog about my covid journey chos..”


“mahirap sha lalo na sa mental health at buti mild symptoms lang akey.. kaya doble ingat po, isipin nyo na baka may mahawa kayo na di kakayanin tulad mo,” dagdag ni K.