Marcos tutulak pa-Cambodia ngayong araw para sa ASEAN summit

TUTULAK na mamayang hapon papuntang Cambodia si Pangulong Bongbong Marcos para dumalo sa 40th at 41st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Habang nasa Cambodia, nakatakda ring kitain ni Marcos ang Filipino community sa naturang bansa.

Pagkatapos ng ASEAN Summit, tutungo naman si Marcos sa Thailand para dumalo sa APEC Economic Leaders Meeting (AELM).