Marcos paalis na nga ba sa DA?

SINABI ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi pa panahon para umalis siya bilang kalihim ng Department of Agriculture bagamat may pinagpipilian na siya na papalit sa kanya sa puwesto.

“I have a timetable for that. There are certain things that I would like to achieve before leaving the department. So hindi pa tayo nandoon. But of course, maraming lumalabas na pangalan. Tuloy-tuloy ang pagtingin namin,” sabi ni Marcos sa press conference sa IRRI Headquarters in Los Baños, Laguna.

Idinagdag ni Marcos na bagamat may nadaragdag sa kanyang listahan may mga natatanggal din.

“Well, that list keeps changing. May nawawala, may nadadagdag. May nawawala, may nadadagdag,” ayon pa kay Marcos.