NAGLABAS si Pangulong Bongbong Marcos ng mga administrative order para sa pagbibigay ng recognition incentive (SRI) para sa mga empleyado ng mga executive department at one-time rice allowance para sa lahat ng mga kawani ng pamahalaan para sa taong ito.
Sa ilalim ng kautusan ni Marcos, tatanggap ng one-time service recognition incentive ang mga empleyado ng executive branch ng hindi lalagpas sa P20,000.
Sakop ng benepisyo ang mga civilian personnel sa national government agencies (NGAs), state universities and colleges (SUCs), government-owned or controlled corporations (GOCCs), regular, contractual o casual na empleyado, miyembro ng military at pulis, gayundin ang mga fire at jail personnel sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), kawani ng Bureau of Corrections (BuCor), Philippine Coast Guard (PCG), at National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA).
Ayon sa ipinalabas na order ni Marcos, maaaring magbigay din ang Senado, Kamara, Judiciary, Office of the Ombudsman at iba pang Constitutional offices ng one-time SRI base sa magiging kautusan ng kani-kanilang pinuno.
Samantala, maaari namang tumanggap ang mga empleyado ng mga lokal na pamahalaan, kabilang ang mga barangay depende sa kakayahan ng mga LGUs.
Bukod pa rito, inaprubahan ni Marcos ang pagbibigay ng one-time rice assistance para sa lahat ng mga empleyado ng pamahalaan.