Palasyo bukas para sa tradisyunal sa Simbang Gabi

BUKAS na sa publiko ang Palasyo para sa tradisyunal na simbang gabi, ayon kay Pangulong Bongbong Marcos.

Ginawa ni Marcos ang pahayag sa isinagawang Christmas party para sa mga empleyado ng Office of the President sa parking area ng Mabini Hall sa loob ng Malacanang compound.

Sinabi ni Marcos na magkakaroon ng misa araw-araw simula alas-4:30 ng umaga sa harap ng Mabini Hall.

Papasok ang mga dadalo sa misa sa Gate 6 na nasa harap ng Kalayaan Hall.

Nauna nang pinangunahan ni Marcos ang pagpapailaw ng Christmas tree sa Kalayaan Grounds sa Malacañang.