Mabasa kay Bantag: Sagutin ang reklamo, magpakita ka

HINAMON ng pamilya ni Percival “Percy Lapid” Mabasa ang suspendidong hepe ng Bureau of Corrections na si Gerald Bantag na tanggapin ang subpoena kaugnay ng pagpatay sa beteranong broadcaster.

“Sagutin niya ‘yung reklamo. Magpakita siya. Hindi pa naman ito warrant of arrest,” ayon kay Roy Mabasa, kapatid ni Percival.

“Pinasasagot pa lang siya. Marami siyang puwedeng sabihin dito. Malay natin siya’y magsabi ng totoo at magsabi na meron pang ibang tao sa likod niyan,” aniya pa.

Inutusan ng Department of Justice (DOH) si Bantag na humarap sa mga pagdinig ng paunang imbestigasyon nito sa Nobyembre 23 at Disyembre 5.

Nagbabala ang DOJ na ang kabiguang dumalo sa preliminary investigation ay ituturing na waiver para iharap ang kanyang depensa at ang kaso ay dapat isumite para sa resolusyon.