Garafil pormal nang itinalaga bilang Secretary ng PCO

PORMAL nang itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos si Atty. Cheloy Garafil bilang Secretary ng Philippine Communications Office (PCO) ngayong Martes, Enero 10, 2023 matapos namang manungkulan bilang officer-in-charge (OIC).

Nanumpa na si Garafil kay Marcos bilang bagong pinuno ng PCO.

Matatandaang nagsilbi si Garafil bilang head ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) bago ilipat sa bilang OIC at Undersecretary ng Office of the Press Secretary (OPS).

Kamakailan pinalitan ni Marcos ang OPS at ginagawang PCO.